Pinaghihinay-hinay ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga otoridad sa paggamit ng malupit na pamamaraan sa mga sumusuway sa social distancing.
Kasunod naman ito ng pahayag ni Joint Task Force COVID Shield Commander PLt/Gen. Cesar Binag na magpapakalat sila ng law enforcers na armado ng “yantok” na panghataw para sa magpapasaway sa physical distancing sa mga pampublikong lugar lalo na sa panahon ng kapaskuhan.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, bagama’t may pangangailangan na maghanap ng ibang istratehiya para maging mahigpit sa panahon ng pandemic, hindi dapat makompromiso ang karapatan pantao at dignidad ng indibidwal.
Aniya, ang COVID-19 pandemic ay hindi maituturing na peace and order issue dahil isa itong public health agenda.
Dahil dito, dapat mabalanse ang pangangailangang buhayin ang ekonomiya at ang isyu ng human rights.
Apela ni De Guia sa publiko, makipagtulungan sa otoridad at sumunod na lang sa health protocols.