Umaasa ang Commision on Human Rights na maibibigay pa rin sa kanila ng pamunuan ng pambansang pulisya ang mga datos patungkol sa extrajudicial killings kaugnay ng war on drugs.
Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline de Guia, umaasa sila na mas bukas o handang makikipag kooperasyon susunod na Magiging bagong PNP chief para magampanan nila ang kanilang tungkulin.
Una nang inireklamo ng CHR na hirap silang ma access ang records ng eksaktong datos sa mga napapatay sa war on drugs.
Dahil dito naging reactive at ang mga naging aksyon ng CHR sa mga reklamo ng extrajudicial killings sa kampanya sa droga.
Idinagdag ni de Guia na hindi rin dapat maging batayan o sukatan sa pagpili ng PNP chief ang dami ng napapatay sa war on drugs.
Facebook Comments