CHR magsasagawa ng imbestigasyon sa Negros killings

Bubusisiin na ng Commission on Human Rights (CHR)  ang naganap na pamamaslag sa Negros Island na ilan sa mga biktima ay apat na pulis, abogado at isang dating Mayor  noong nagdaang araw.

 

Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline de Guia, nagpadala na siya ng dagdag na tauhan mula sa Central Office sa lugar para tumulong sa pag imbestiga ng mga tauhan sa rehiyon kaugnay sa naganap na krimen.

 

Kaugnay nito, sinabi ni de Guia na inatasan na niya ang kanilang  regional office na dagdagan pa ang bilang ng mga imbestigador ng ahensiya para mapabusisi sa krimen.


 

Paliwanag ni de Guia malaman kung may pananagutan ang sinuman, kahit Government or Non-State actors.

 

Binigyang diin nito na lubhang nakaka alarma na ang nagaganap na serye ng pamamaslang sa bansa.

 

Wala pa namang linaw ang CHR at PNP kung ang serye ng pamamaslang ay gawa lamang ng iisang grupo.

Facebook Comments