Pagbasura ng Court of Appeals sa writ of amparo petition ng NUPL, iaakyat sa Korte Suprema

Hindi na ikinagulat ng National Union of People’s Lawyer o NUPL ang pagbasura ng Court of Appeals sa kanilang petition for the writs of amparo and habeas data.

 

Sa isang statement, sinabi ni NUPL President na pinatutunayan lamang ng desisyon ng CA na ang amparo, bilang legal remedy, ay bigo na maprotektahan ang mga biktima na nangangailangan ng agarang judicial protection.

 

Lumalabas din anila na hindi mabisa ang domestic remedies para sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao.


 

Tiniyak din ng grupo na iaakyat nila ang desisyon ng CA sa Korte Suprema.

Facebook Comments