CHR, may babala kasunod ng pag-aresto kay Maria Ressa

Manila, Philippines – Nagbabala ang Commission on Human Rights (CHR) laban sa inhustisya na nakatago umano sa lambong ng legalidad.

Ito ng ipinahayag ni Atty. Atty Jacqueline De Guia, tagapagsalita ng CHR kasunod ng naging pag-aresto kay Rappler CEO at Executive Editor Maria Ressa dahil sa kasong cyber libel.

Ayon kay De Guia, ang batas ay instrumento para ipagtanggol ang karapatang pantao at hindi para gamiting sandata para labagin ito.


Dapat aniya na manaig ang katotohanan at manatiling mapagbantay ang publiko.

Dagdag ni De Guia, dapat manaig ang rule of law upang matiyak na ang lahat ng karapatang pantao ay maproteksyunan.

Hinamon ng CHR spokesperson ang gobyerno na garantiyahan ang mga karapatang ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng due process at pantay na pagggawad ng batas.

Facebook Comments