Lalaki nanunog ng 2 bahay, huli sa Makati

Makati City – Kalaboso ang isang lalaki natapos umanong manunog ng dalawang bahay sa H. Santos Street, Barangay Tejeros, Makati City.

Kinilala ni Senior Superintedent Rogelio Simon, hepe ng Makati police, ang suspek bilang si Jhayson Camposano.

Ayon kay Simon, posibleng nan-trip lang ang suspek sa panununog matapos gumamit ng droga.


May mga testigong aniyang nakakakita kay Camposano na pabalik-balik sa lugar bago magsimula ang sunog.

Binantaan din daw ng suspek ang mga testigo na ikukulong sa susunuging bahay.

Nabatid na labas-masok ang suspek sa kulungan dahil sa mga kasong may kinalaman sa droga, akyat-bahay at snatching.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong arson at paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments