CHR, may kondisyon sakaling tumulong ito para beripikahin ang alegasyon ng US-State Department hinggil sa abuso umano ng security forces sa bansa

Naglatag ng kondisyon ang Commission on Human Rights (CHR) sa kahilingan ni Department of Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na tumulong ito sa pagberipika sa ulat ng US-State Department hinggil sa umano’y pang-aabuso ng mga security force sa bansa.

Ayon sa CHR, patunay ito ng pagtitiwala ng Duterte Administration sa kapasidad ng komisyon na makapagsagawa ng independent investigation.

Pinuri rin ng CHR ang commitment ni Lorenzana na magkaroon ng accountability sakaling mapatunayang may katotohanan ang US-State Department report.


Hamon ng CHR sa gobyerno, tapatan ang kumpiyansang ito ng pagpapakita ng buong kooperasyon mula sa pinakamataas hanggang pinakamababang lebel ng opisyal ng security at law enforcement institutions sa gawain ng CHR at iba pang investigative and fact-finding bodies.

Umaasa ang CHR na magkakaroon ng transparency sa lahat ng antas upang matiyak ang isang patas na pagtalakay sa mga human rights issue.

Nais umanong makita ng CHR na magpakita ang gobyerno ng kahandaang usigin at parusahan ang mga sinasabing kaso ng pang-aabuso para makamit ng mga pamilya ang tunay na hustisya.

Facebook Comments