CHR, naalarma sa listahan ng AFP ng mga UP alumni na umano’y naging NPA

Nababahala ang Commission on Human Rights (CHR) sa inilabas na maling pangalan ng mga dating mag-aaral ng University of the Philippines (UP) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na sinasabing sumapi sa New People’s Army (NPA).

Pinaalalahanan ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia sa CHR ang mga state forces na mag-ingat sa paglalabas ng impormasyon hinggil sa NPA membership dahil posibleng malagay sa panganib ang mga dating estudyante.

Aniya, may obligasyon ang mga government institution na irespeto at protektahan ang karapatan ng lahat ng indibidwal partikular ang mga inosente mula sa pagkakalantad sa kapahamakan.


Ani de Guia, tanggap ng CHR ang apology ng AFP at ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Gayunman, hindi na dapat maulit ang naturang pagkakamali.

Facebook Comments