CHR, nababahala sa ordinansa sa Caloocan na nagpapataw ng parusa sa mga di-bakunado na magsisimba

Nababahala ang Commission on Human Rights (CHR) sa ipinasang ordinansa ng Caloocan Local Government Unit (LGU) na nagbabanta ng parusa sa mga di-bakunado na magsisimba o mananampalataya.

Ayon sa CHR, nakapaskil diumano ang naturang ordinansa sa mga gate ng simbahan.

Muling ipinapaalala ng CHR na walang batas ukol sa mandatory vaccination.


Giit ng CHR, wala dapat batas na nagpaparusa sa mga di-bakunado at pagkaitan sila na gawin ang kanilang pananampalataya.

Mahigpit na ginagarantiyahan ng Seksyon 5 ng Saligang Batas, ang “free exercise and enjoyment of religious profession and worship, without discrimination or preference, shall forever be allowed.”

Iginiit ng komisyon na suportado nito ang malawakang pagbabakuna ng gobyerno para makamit ang herd immunity na mahalaga para masugpo ang COVID-19.

Gayunman, dapat ay gawin ito sa tamang paraan para tugunan ang vaccine hesitancy.

Facebook Comments