Nababahala ang Commission on Human Rights (CHR) sa nililikhang kalituhan sa resolution ng IATF para sa mandatory vaccination ng mga onsite workers.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline de Guia, posibleng magkaroon ng ibang pag-unawa at implementasyon ang resolusyon ng Inter-Agency Task Force.
Posible aniyang lumikha ito ng diskriminasyon at paglabag sa karapatang pantao ng mga manggagawa.
Umaapela ang CHR sa gobyerno na ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng IATF resolution hanggang walang klarong guidelines para sa implemetasyon ng mandatory vaccination sa labor sector.
Facebook Comments