CHR, nababahala sa sunod-sunod na karahasan sa mga kababaihan; kaligtasan ng mga kabataan, pinatitiyak

Nababahala na ang Commission on Human Rights (CHR) sa sunod-sunod na kaso ng karahasan sa mga kababaihan at mga bata.

Ayon kay CHR Executive Director Jacqueline de Guia, dapat maalarma na ang mga awtoridad sa pagkasawi ng 15-year-old na biker sa Bulacan at ng pitong taong gulang na bata sa Pila, Laguna.

Ani De Guia, ang naturang mga karahasan ay nagpapakita kung gaano ka-vulnerable ang mga bata.


Aniya, karapatan ng mga bata na makakilos sa isang ligtas na kapaligiran.

Hamon ng CHR sa mga awtoridad, gumawa ng hakbang para matiyak ang seguridad ng mga bata lalupa’t nagsimula na ang face-to-face classes sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Giit ni De Guia, dapat may mahuli at mapanagot sa naturang mga krimen upang maiwasang maulit ang naturang mga insidente.

Facebook Comments