CHR, nabahala sa malulupit na parusa sa mga quarantine violators kasunod ng pagkamatay ni Darren Peñaredondo

Ikinabahala ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpapataw ng mabibigat na penalty sa mga quarantine violators.

Kasunod naman ito ng pagkasawi ni Darren Peñaredondo na sinasabing pinag-push-up ng 300 rounds matapos sitahin dahil sa paglabag sa quarantine protocols.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline de Guia, masyadong malupit o labis ang mga ipinapataw na parusa at masyadong labis kung ikukumpara sa bigat ng nagawang paglabag.


Aniya, ang sitwasyon ay isang problemang pangkalusugan at hindi isang “peace and order problem” upang tapatan ng malulupit na kaparusahan.

Ani De Guia, suportado nila ang rekomendasyon ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na sa halip na push-up o mabibigat na multa ay gawing community service ang parusa sa mga quarantine violators.

Aniya, mas makatao ito sa mga vulnerable na mamamayan na hirap sa paghahanap ng kabuhayan sa gitna ng pandemya.

Facebook Comments