CHR, nagbabala sa publiko kaugnay sa pagdami ng Facebook fake accounts

Nagbabala ang Commission on Human Rights (CHR) sa publiko kaugnay sa pagdami ng mga pekeng Facebook account na itinuturing nilang punishable act sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, sinang-ayunan nito ang pahayag ng National Bureau of Investigation (NBI) na mag-iimbestiga ito para maiwasan na mangyari ulit ang insidente.

Iginiit din ni de Guia na may responsibilidad ang Facebook na pangalagaan ang karapatang pantao ng mga users.


Aniya, may kapangyarihan ang platform ng Facebook na magbigay ng impact sa domestic exchanges at mga proseso nito.

Tiniyak naman ng CHR na ipinatutupad online at offline ang garantiya ng publiko sa kanilang privacy.

Facebook Comments