Maternity shoot ni Coleen Garcia, usap-usapan sa social media

Usap-usapan ngayon ang inilabas na maternity shoot ng aktres na si Coleen Garcia-Crawford.

Batay sa Instagram page ng photography group na The Boudoir Dolls, ipinakita ng 27-anyos na aktres ang kanyang sarili na may baby bump habang may suot na leather crop jacket at fringed sleeves.

Meron ding mga litrato na nagpapakita na may suot na boxing gears si Colleen at mayroon ding artistic nude shot ang aktres.


Ang nasabing larawan ay umani ng paghanga sa kanyang mga fans lalo na’t makikitang ang sexy pa rin ng aktres kahit six months pregnant na siya.

Facebook Comments