CHR, nais ipa-review ang operational guidelines ng PNP sa isinasagawa nitong pag aresto sa sinumang indibidwal

Iginiit ng Commission on Human Rights ng na kailangang pag aralang muli ng PNP ang kanilang operational guidelines sa pag aresto ng sinumang indibidwal.

 

Kasunod ito ng pag amin ng CIDG Region 9 na  nagkamali sila sa ginawang pag-aresto sa isang kolumunista ng Davao Online Today sa Misamis Oriental na si Fidelina Margarita Valle.

 

Ayon kay Atty. Jackielyn de Guia tagapagsalita ng CHR, isang malaking kahihiyan  ang  pagkakamali ng CIDG.


 

Mararapat lamang aniya na maimbestigahan ito.

 

Sa ngayon, sinabi ni De Guia na kumikilos na ang kanilang mga tanggapan sa Regions 9 at 10 para  imbestigahan kung may  nalabag ang mga pulis sa karapatang pantao ni Ginang Valle.

Facebook Comments