2 Lalaki, Patay Matapos Makuryente sa Daan!

*Santiago City, Isabela*- Patay ang dalawang lalaki matapos makuryente sa Patul Road, Brgy. Patul Santiago City pasado alas dyes kagabi, June 10, 2019.

Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan sa Santiago City Police Office, binabagtas ng mga biktima ang nasabing lansangan nang madaanan ang nakahambalang na live wire ng kuryente.

Natumba sa gilid ng daan ang dalawang hindi pa nakikilalang mga biktima na sakay ng isang Euro na motorsiklo na may temporaryong plaka na 0210-077926.


Isinugod pa sa pagamutan ang mga biktima ngunit idineklara rin na dead on arrival ng kanilang attending physician.

Sa ngayon ay di pa matukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga biktima na kasalukuyang nasa isang punerarya.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente habang nananawagan naman ang Santiago City Police Office sa lahat na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan upang kilalanin ang dalawang biktima.

Facebook Comments