CHR, nanawagan ng transparent at impartial na imbestigasyon sa pagkamatay ng magkapatid na Parojinog

Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) para sa impartial at transparent na imbestigasyon sa pagkamatay nina Ricardo Parojinog at ng kanyang kapatid na babae habang nasa jail custody.

Ito ang inilabas na urgent advisory ng CHR kasunod nang pagkasawi na rin ni Ozamiz City Councilor Melodia “Apyat” Parojinog-Malingin dahil sa cardiogenic shock.

Bagama’t katanggap-tanggap para sa CHR ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP), dapat ding magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang Department of the Interior and Local Government (DILG).


Ang mga Parojinog na lumawak ang kapangyarihang pampulitika ay inaakusahang sangkot sa operasyon ng iligal na droga.

Nanatili pa rin sa jail custody ang dalawa pang Parojinog na sina dating Vice Mayor Nova Parojinog at Reynaldo Parojinog Jr.

Facebook Comments