CHR, nauunawaan ang frustration ni Bato sa mga kritiko ng madugong war on drugs

Manila, Philippines – Nauunawaan ng Commission on Human Rights ang hugot ni PNP Chief Ronald Delarosa sa pagtawag nito na inggrato ang mga mamamayan na kritiko ng war on drugs ng administrasyong Duterte.

Ayon kay CHR Spokesman Jackie de Guia, isang pagpapakita ng pagkadismaya ang ipinahayag ng pangkalahatang pinuno ng PNP.

Nilinaw ni De Guia na hindi kritikal ang kanilang ahensya sa war on drugs.


Gayunman, panahon na para baguhin ng PNP ang pamamaraan nito ng pagsugpo sa paglaganap ng droga.

Aniya, dapat humanap ng pamamaraan ang PNP na hindi nangangahulugan ng patayan.

Idinagdag ni de Guia na sa sa halip na sa metodolohiya na lumalapastangan sa karapatang pantao, dapat tutukan ng PNP ang pagtiyak na wala nang supply ng droga na umiikot sa merkado.

Facebook Comments