Secretary Lorenzana, tumanggi munang magkumento sa isyung may mga unipormadong grupo na kabilang sa Save the Nation Movement Group na umano’y nagpapaplanong patalsikin ang Duterte administration

Manila, Philippines – Tumangging muna magbigay ng kumento si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa isyung may mga unipormadong grupo ang kabilang sa Citizen National Guard at Save the Nation Movement na dinaluhan mismo sina Justice Secretary Vitaliano Aguirre at Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta ang launching o pagsisimula nitong nakalipas na Martes.

Ang grupong ito ay may plano umanong pabagsakin ang Duterte Administration.

Ayon kay Secretary Lorenzana, nagkausap sila kagabi ni Secretary Aguirre pero nakalimutan niya nang itanong ang isyung ito.


Sinabi ng kalihim na kailangan muna nilang makumpirma kung ano ang misyon ng grupo bago magbigay ng anumang komento.

Facebook Comments