CHR – pinuri ang hakbang ng Senado na muling buksan ang imbestigasyon ng Extra Judicial Killings

30

MANILA, PHILIPPINES – Pinuri ng Commission on Human Rights (CHR) ang naging hakbang ng senado na imbestigahang muli ang kaso ng extra judicial killings sa bansa.

 

Kasunod na rin ito ng pagbaligtad at pag-amin ni retired SPO3 Arthur Lascañas kaugnay ng Davao Death Squad.

 

Ayon kay CHR Spokesperson Jackie De Guia – karapatan ng publiko na malaman kung totoo ang mga alegasyon ni Lascañas laban kay Pangulong Duterte.

 

Samantala, umaasa naman sina Senators Ralph Recto At Franklin Drilon na hindi na haharangin ang muling pagharap ni Lascañas sa gagawing pagdinig.



 

Facebook Comments