US Citizenship ni DFA Sec. Perfecto Yasay, naungkat sa pagdinig ng Commission on Appointments

8

MANILA, PHILIPPINES – Sumalang ngayon sa Confirmation Hearing ng makapangyarihang Commission on Appointments si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay.

 

Unang inungkat ng mga miyembro ng CA kay Yasay ang usapin ng kanyang citizenship na isa sa mga mahalagang requirement sa kanyang hinahawakang posisyon.

 

Giit ni Yasay, hindi niya inabandona ang kaniyang pagiging Pilipino sa kabila ng kaniyang panunumpa ng pagsuporta sa mga batas sa new york nang mag-apply siya ng citizenship.

 

Taong 1987 ng bumalik sa bansa si Yasay at inayos ang kaniyang citizenship.

 

Bukod sa isyu ng citizenship, naungat din ang usapin sa West Philippine Sea at mga Overseas Filipino Workers.

 


Facebook Comments