Pinuri ng Commission on Human Rights ang pagbuo ng Department of Education (DepEd) ng Child Protection Unit (CPU) at ng Child Rights in Education Desk.
Ayon kay CHR Executive Director Atty. Jacqueline Ann de Guia, isa itong mabisang hakbang sa direksyon ng mas accessible at may kalidad na basic education kung saan ligtas ang mga bata sa abuso, karahasan at kapabayaan.
Ani De Guia, ang polisiya sa edukasyon ay di lang dapat nakatuon sa paghahatid ng mga probisyon kundi ang paglalatag ng mga standards na child-centered at quality learning system.
Aniya, sa pamamagitan nito ay mabibigyang katuparan ang mga probisyon ng saligang batas at sa layunin ng Convention on the Rights of the Child.
Facebook Comments