Pinuri ng Commission on Human Rights (CHR) ang hakbang ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na magbigay ng “media security vanguards” para tugunan ang mga banta laban mga mamamahayag ngayong 2022 election period.
Ayon kay CHR Spokeperson Jacqueline Ann de Guia, mahalaga ang seguridad ng media sa pagtataguyod ng kalayaan sa pamamahayag.
Nakakatulong din aniya ito sa mga media practitioner na gawin ang kanilang tungkulin, kabilang ang pagsasabi ng katotohanan nang walang takot sa paghihiganti at pag-atake.
Nauna nang sinabi ng PTFoMS na ipapatupad ang “media security vanguards” sa tulong ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP).
Facebook Comments