DOH, pinawi ang pangamba ng publiko kaugnay ng pagkaantala ng pagbabakuna sa mga batang may edad 5 hanggang 11

178

Pinawi ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng publiko matapos na maudlot bukas ang pagbabakuna sa mga batang may edad 5 hanggang 11.

Ito ay dahil sa bukas ng gabi pa lamang dadating ang mga bakunang gagamitin sa pediatric population.

Sa kanilang inilabas na statement, tiniyak naman ng DOH na lahat ng Pilipino ay makakatanggap ng bakuna kontra COVID-19.


Para naman matiyak na mapaghahandaan ng maayos ang pagbabakuna, tiniyak ng DOH na tuloy ang vaccination sa pediatric population sa darating na Lunes, February 7.

Partikular na gagamitin sa mga batang 5-11 taong gulang ang Pfizer.

Facebook Comments