CHR, pumalag sa plano ng PNP na i-ban ang paghahatid at pagsusundo ng mga APOR

Umalma ang pamunuan ng Commission on Human Rights (CHR) sa plano ng Philippine National Police (PNP) na pagbawalan sunduin at ihatid ang mga Authorized Person Outside the Residence o APOR sa kanilang pinapasukang trabaho bilang mga frontliner.

Ayon sa CHR, Malaki ang ginagampanang papel ng mga APOR na kinakailangan din bigyan ng prayoridad ng pamahalaan na maihatid at masundo lalo na ngayong ipatutupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) at mahigpit ang mga pampublikong sasakyan.

Paliwanag ng CHR, nauunawaan nila ang pangamba ng gobyerno na posibleng kumalat ang Delta variant ng COVID-19 pero dapat umanong ikonsidera rin ang malaking papel na ginagampanan ng mga APOR bilang mga frontliner para mapangalagaan ang kalusugan ng publiko.


Umapela ang CHR sa PNP na pag-aralan muli at ikonsidera ang naturang polisiya dahil napakalaking papel ang ginagampanan ng mga APOR na mga frontliner.

Giit pa ng CHR, madali naman makilala kung talagang lehitimong APOR ang mga pasahero o ang driver ng pampublikong sasakyan dahil pwedeng hingian ng mga dokumento o ID na nagpapatunay na sila ay mga lehitimong APOR.

Facebook Comments