Pagkakaroon ng voter registration tuwing weekends, iminungkahi ng isang senador

35

Iminungkahi ni Senator Sherwin Gatchalian na magkaroon ng voter registration tuwing Sabado at Linggo sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Gatchalian, layon nitong punan ang mga masasayang na araw dahil sa pagpapatupad ng dalawang linggong enhanced community quarantine.


Aniya, kailangan magdoble kayod ang Commission on Elections para mas marami pang Pilipino ang makapagparehistro dahil na rin sa papalapit na 2022 national elections.

Sa ngayon, hanggang Setyembre na lang ang pagpaparehistro at iginiit ng COMELEC na hindi na nila ito papalawigin pa.

Facebook Comments