CHR, pumasok na rin sa kaso ng pamamaril sa isang curfew violator sa Tondo, Maynila

Iniimbestigahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang nangyaring pamamaril ng isang barangay tanod sa isang curfew violator sa Tondo, Manila sa gitna ng umiiral na Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila.

Ayon kay CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia, nakalulungkot na isa na namang quarantine violator ang nasawi.

Paalala ni De Guia sa mga otoridad na maging mahabagin sa pagsita sa mga lumalabag sa quarantine protocols, hindi kinakailangan ang puwersa sa mga curfew violator dahil ito’y hindi maituturing na peace and order na isyu.


Aniya, dapat pairalin ang human-rights based sa mga lumalabag at kilalanin ang kanilang dignidad partikular ang mga bulnerableng sektor sa panahon ng pandemya.

Facebook Comments