CHR, pumasok na rin sa kaso ng sinasabing rescue ops sa mga batang Lumad

161

Iniimbestigahan na rin ng Commission on Human Rights (CHR) ang sinasabing rescue operation sa mga batang Lumad sa Cebu City.

Inaalam ngayon ng CHR Region 7 kung nasunod ang tamang proseso at kung walang naging paglabag sa karapatang-pantao sa proseso sa pag-rescue sa mga bata.


Aalamin di kung ano ang naging partisipasyon ng organizers at ng namamahala sa paaralan kung bakit pinayagan nila na makapunta ng Cebu ang mga bata nang walang pahintulot mula sa kanilang mga magulang.

Nasa pitong indibidwal ang nasa kustodiya ng Police Regional Office 7 at nakatakdang sampahan ng kasong kidnapping at illegal detention dahil sa pagdala sa mga bata mula Davao del Norte.

Facebook Comments