Palasyo, may paalala sa mga Katoliko ngayong Ash Wednesday

60

Pinaalalahanan ng Palasyo ang mga Katoliko na dumadalo at dadalo sa misa ngayong Ash Wednesday na patuloy na sumunod sa health and safety protocols.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, bagama’t pinapayagan na ng pamahalaan ang hanggang 50% capacity ng mga simbahan sa ilalim ng General Community Quarantine areas ay dapat pa rin ipagpatuloy ang mask, hugas, at iwas.


Gaya aniya ng paulit-ulit na paalala ni Pangulong Rodrigo Duterte, pag-ingatan ang buhay upang abutan pa ang bakuna na inaasahang darating ngayong buwan ng Pebrero.

Nabatid na tulad noong isang taon kung saan mayroon ng COVID-19 ay ini-isprinkle o ibinubudbod na lamang ang abo sa halip na ipahid sa noo upang walang close contact.

Facebook Comments