CHR: Red tagging, nangungunang isyu pa rin sa paglabag sa karapatang pantao

‘Red tagging’

Ito ang nangungunang isyu ng paglabag sa karapatang pantao, batay sa resulta ng pakikipagdayalogo ng Commission on Human Rights (CHR) sa iba’t ibang civil society group at organisasyon sa bansa.

Sa media and dialogue session ng CHR, inihihayag ni Chairperson Atty. Richard Palpal-Latoc, bagama’t nagsimula ang isyu ng red tagging sa panahon ni dating Pangulong Duterte, hanggang ngayon aniya sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., ay marami pa rin ang mga reklamong inihahain sa komisyon hinggil dito.


Paglalahad pa ni Palpal-Latoc, may ‘denial’ o itinatanggi ng pamahalaan ang usapin ng red tagging sa International Labour Organization (ILO) High Level Tripartite Mission noong January.

Sinabi aniya ng ilang ahensya ng pamahalaan na walang nagaganap na red tagging, na taliwas naman sa complaint ng mga civil society group.

Dahil dito, tututukan ng komisyon ang naturang isyu, aalamin ang kung sino ang may pananagutan, at kung paano masosolusyunan ang problema.

Isa sa mga hakbang ng CHR ay ang pagsasagawa ng public inquiry o forum sa Oktubre kaugnay sa red tagging, kasama ang iba’t ibang organisasyon, ahensya ng gobyerno, at law enforcement agency.

Facebook Comments