CHR REGION II NAGSAGAWA NG JAIL VISITATION SA ISABELA

Cauayan City — Nagsagawa ng jail visitation ang Commission on Human Rights (CHR) Region II sa Alicia Municipal Jail at Cauayan City District Jail sa lalawigan ng Isabela.

Layunin ng aktibidad na tiyakin ang maayos na kondisyon ng mga kulungan at mapangalagaan ang karapatang pantao ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Pinangunahan ng CHR team ang inspeksyon ng mga pasilidad, kabilang na ang mga selda, palikuran, at kitchen area.

Isinagawa rin ang mga panayam sa piling PDLs upang makuha ang kanilang mga saloobin at reklamo, at alamin kung may umiiral na mga paglabag sa kanilang karapatan.

Ayon sa CHR, bahagi ito ng kanilang regular na monitoring upang matiyak na sumusunod ang mga piitan sa mga pambansa at pandaigdigang pamantayan ng karapatang pantao.

Patuloy ang CHR sa pagtutok sa kapakanan ng bawat indibidwal, lalo na ng mga nasa loob ng correctional facilities.

Facebook Comments