CHR, sinimulan na ang pag-imbestiga sa pagkamatay ni Bañanola

Manila, Philippines – Umarangkada na ang imbestigasyon ng Commission on Human Rights (CHR) sa pagkamatay ng murder suspect ng isang senior citizen habang nasa kustodiya ng Quezon City Police District (QCPD).

Nabaril at napatay si Carl Joseph Bañanola matapos mang-agaw ng baril sa mga escort na pulis habang ibinabiyahe pabalik ng Camp Karingal.

Sa isang statement sinabi ni CHR Spokesperson Atty. Jacqueline de Guia, na may mga katanungan na nais nilang mabigyan ng kasagutan.


Aniya, bagamat pinapayagan sa Philippine National Police (PNP) Manual of Operations ang paggamit ng self-defense sa sitwasyon ng panganib, nailinaw din dito na gagamitin lamang ito sa rasonable at ispesipikong kondisyon.

Welcome naman sa CHR ang posibleng pagsasampa ng kaso laban sa mga   police officers na nag-escort kay Bañanola.

Sisilipin din ng CHR ang pagkamatay ng mag-asawang nakatatanda na sina Nicolas Austria at Leonora sa Novaliches, Quezon City.

Facebook Comments