CHR, tinawag na nasa tamang direksyon ang desisyon ni PNP Chief Guillermo Eleazar na buksan ang mga kaso ng police operations sa war on drugs

Welcome para sa Commission on Human Rights (CHR) ang desisyon ni Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar na pabuksan ang 61 cases ng mga nangyaring police operations nito, partikular ang mga operasyon na nagresulta sa pagkamatay ng drug suspects.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, ito ay isang positibong hakbang patungo sa tamang direksyon.

Ani De Guia, sa wakas ay nakinig ang PNP sa matagal na nilang kahilingan na mas maging bukas ito sa imbestigasyon sa mga kaso ng extrajudicial killing sa war on drugs ng gobyerno.


Aniya, bagamat 61 cases lang ang pinabuksan, umaasa sila na masusundan pa ito ng mas marami pang kaso na maiimbestigahan.

Dagdag ni De Guia, umaasa sila sa mas malusog na kooperasyon sa PNP para sa pagkamit ng katotohanan at hustisya sa mga kaso ng human rights violation.

Facebook Comments