CHR, tutol sa kautusan ng DILG sa mga barangay na mag-sumite ng mga pangalan ng mga unvaccinated residents

Tutol ang Commission on Human Rights (CHR) sa kautusan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga barangay na isumite ang mga pangalan ng mga unvaccinated individuals.

Ayon kay CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia, hindi dapat gawing dahilan ang umiiral na pandemya para hindi kilalanin ang mga human rights standards sa lahat ng sitwasyon at pagkakataon.

Nagpaalala si De Guia sa gobyerno na isaalang-alang ang dignidad at karapatang pantao sa mga polisiyang ipatutupad sa gitna ng biglaang pagsipa ng kaso ng COVID-19.


Kabilang dito ang right to privacy ng mga indibidwal.

Dapat din aniyang tiyakin ng DILG na hindi ito pipigil sa mga unvaccinated na maka-access ng mga essential good at services.

Facebook Comments