Bilang ng frontliners ng BI na nagpopositibo sa COVID-19, tumataas

25

Naaalarma na ang Bureau of Immigration (BI) sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kanilang mga tauhan na nagpopositibo sa COVID-19.

Partikular na na-infect ang mga tauhan ng BI sa airport at sa kanilang main office sa Intramuros sa Maynila.

Sa ngayon, 251 na ang tauhan ng BI na tinamaan ng COVID-19 kung saan pinakamarami rito ay naka-assign sa paliparan.


Bukod dito, halos 300 pang tauhan ng BI ang naka-isolate habang naghihintay ng resulta ng kanilang swab test.

Umapela na rin ang BI sa Department of Justice (DOJ) na bawasan muna ang on-site work force dahil kulang sila sa tauhan.

Facebook Comments