CHR, umaasa na maisasabatas agad ang Media Workers Welfare Act

Napapanahon nang maisabatas ang panukalang naglalayong maprotektahan ang mga mamamahayag sa bansa.

Ito ang iginiit ng Commission on Human Rights (CHR) kasunod na rin ng pagkakapasa sa ikatlo at huling pagbasa ng House Bill (HB) No. 454 o Media Workers Welfare Act.

Sa ilalim ng nasabing panukalang batas ay agad na magre-regular sa trabaho o pagkatapos ng anim na buwan ang mga mamamahayag.


Bibigyan din dapat ang mga taga-media ng tamang pasahod at benepisyo kabilang na ang medical insurance at death benefits.

Inaasahan din na mapapalakas pa lalo nito ang press freedom, demokrasya at karapatang-pantao.

Ayon sa CHR, kinikilala nila ang mahalagang papel ng media lalo na’t kaliwa’t kanan ang pagkalat ng maling impormasyon at fake news.

Umaasa rin ang komisyon na magkakaroon ng pag-uusap ang pamahalaan at media para malaman at matugunan ang kinakaharap na hamon ng mga mamamahayag.

Facebook Comments