Mga establisyimento sa NAIA Terminals, tatanggap na ng credit cards matapos mag-viral ang pagkadismaya ng isang dayuhang traveler

Inatasan ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Cesar Chiong ang lahat ng concessionaires sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminals na tumanggap na rin ng credit cards.

Ayon kay Chiong, pinag-uusapan na nila ito ngayon ng concessionaires sa NAIA lalo na’t inaasahan ang pagdagsa ng maraming pasahero sa airport habang papalapit ang Pasko.

Aniya, sa loob ng dalawang linggo ay maaayos na ang sistema para sa pagtanggap ng credit cards ng establishments sa paliparan.


Pinatitiyak din ni Chiong na nasa maayos na kondisyon ang lahat ng ATM machines sa airport.

Una nang nag-viral ang video ng isang dayuhang pasahero na nadismaya matapos na pawang “cash only” ang nakalagay sa mga establisyimento sa NAIA 2.

Facebook Comments