CHR, umaasa pa rin na mabibigyan ng tamang pondo para sa taong 2018

Manila, Philippines – Umaasa ang Commission on Human Rights (CHR) na mababago pa ang ibinigay sa kanilang isang-libong pisong budget para sa taong 2018.

Ayon kay CHR Chairman Chito Gascon – tiwala siyang mas magiging positibo ang usapan sa kanilang pondo pagdating sa Senado kung saan una nang naaprubahan ang P678 million proposed budget ng ahensya.

Sinagot din ni Gascon ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mali ang paraan nito ng pag-iimbestiga sa war on drugs ng administrasyon.


Gayunman, naniniwala siya na walang kinalaman ang Pangulo sa pagbibigay sa kanila ng halos zero-budget ng Kamara.

Ayon naman kay Senate Minority Leader Franklin Drilon – posibleng magkaroon ng deadlock sa proseso ng pagpasa sa 2018 budget.

Ito ay kung ipipilit ng Kamara sa bicameral conference committee ang pagbibigay ng 1,000 pondo sa CHR.

Facebook Comments