Taiwan at China – nakahanda na sa hagupit ng bagyong Talim

World – Handa na ang Taiwan at China sa hagupit ng “typhoon Talim” o bagyong Lannie na una nang pumasok sa Pilipinas.

Ayon sa Taiwan Central Weather Bureau – inaasahang tatama ang bagyo sa Taipei, bago pumunta sa China na posibleng maging super typhoon.

Dahil dito, kinansela na ng China Airlines at Eva Airways, ang dalawang malaking airport sa Taiwan ang mga flight na naka-schedule ngayong hapon.


Facebook Comments