Manila, Philippines – Inalmahan ng Commission on Human Rights ang pahayag niPangulong Rodrigo Duterte na bibigyan ng pardon at promosyon ang mga pulis nasangkot sa pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa.
Ayon kay CHR Chairperson Chito Gascon pagpapakita itong pagkunsinti ng Presidente sa mga pulis na sangkot sa isang krimen.
Giit ni Gascon, dapat managot sa batas ang mga nabanggitna mga pulis lalupat ginawa ang pagpatay sa loob mismo ng isang kulungan.
Bagamat may kapangyarihan aniya ang isang Pangulo namagkaloob ng pardon pero may mga panuntunang sinusunod para dito.
Si Gascon na dating director-general ng Liberal Party ayitinalaga sa CHR ni dating Pangulong Noynoy Aquino isang taon bago ito bumabasa pwesto.
Facebook Comments