CHR, umapela sa mga kakandidato sa 2022 election na tuparin ang pangako

Umapela ang Commission on Human Rights (CHR) sa mga kakandidato sa 2022 national and local election na tuparin ang kanilang mga ipinapangako.

Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline Ann de Guia, kapalit ng boto ng mamamayan ay dapat siguraduhin ng mananalong kandidato na maipapatupad nito ang karapantang pantao.

Aniya, karaniwan na kasing ipinapangako ng mga kandidato ang human rights pero ang nakakalungkot ay nakakalimutan na nila ito kapag sila ay naihalal na.


Giit pa ni De Guia, sa pagtitiwala sa mga opisyal, mayroong kaakibat na reponsibilidad para matiyak ang katuparan ng karapatang pantao.

Facebook Comments