PBA – Nanganganib na ma-disqualify sa PBA rookie draft ang filipino-German na si Christian Standhardinger.
Ito ay makaraang hindi siya sumipot sa unang araw ng draft combine kaninang umaga.
Nabatis na siya lang ang absent sa 44 na nag-apply sa PBA rookie draft ngayong taon.
Inaasahan namang magsusumite si Standhardinger ng isang valid na excuse letter para ipaliwanag ang kanyang pag-absent.
Kauuwe lang ng basketbolista mula Hong Kong kung saan niya sinimulan ang kanyang training kasama ang Hong Kong Eastern Sports Club.
Facebook Comments