Edu Manzano – ready nang maging lolo

Showbiz – Hindi raw pine-pressure ni Edu Manzano na mag-asawa na ang anak niyang si Luis Manzano.

Say ng actor-host, ibang-iba na ang henerasyon ngayon ng mga kabataan dahil gaya ni Luis, mas career-oriented at business-minded sila ngayon.

Pero dahil 62-years old na si Edu, ready at excited na raw siyang maging lolo sa magiging anak ni Luis.


Inamin naman ni Edu na hindi nila napapag-usapan ni Luis ang tungkol sa pagse-settle down nila ni Jessy Mendiola.

Hindi dahil sa hindi siya boto sa aktres para kay Luis, kundi bilang respeto aniya sa privacy ng kanyang anak.

Biro pa ni Edu, hangga’t hindi pa napag-uusapan ang kasal, pwede pa rin daw siyang tawaging “kuya” ni Jessy.

Facebook Comments