CHRISTINE REYES, UMANI NG PAPURI MULA SA MGA NETIZENS DAHILSA SARILING PAHAYAG UKOL SA ABS-CBN SHUTDOWN

Hindi kagaya ng ibang Kapamilya Stars, hindi pang ba-bash ang natanggap ni Christine Reyes mula sa mga taga hanga at iba pang netizens nung ito ang maglabas ng saloobin sa pag shutdown ng kinabinilangang network.

Ganap na 7:52 ng gabi ng Lunes , May 04, 2020, ng mag shutdown na ang network dahil sa Cease and Desist Order ng National Telecommunications Commission. Kanya kanyang himotok ang mga kapamilya stars tungkol dito. Nitong nakaraang Huwebes nag post sa Facebook account niya si Christine na umani ng papuri mula sa netizens. Ayon sa post, “lahat sa takdang oras may mga pagbabago na kahit sino man sa atin ay hindi mapipigilan. May mga pangyayari sa buhay natin na planado at mayroon din namang hindi planado.” Saad nito. Kalmado at positibo. Ganyan ilarawan ng mga netizens ang pahayag ng aktres. Saad pa ng iba, sana daw ay kagaya ni Christine lahat ng artista kung mag isip. Sa isa pang post nito sa kanyang instagram account, nagpasalamat ito sa ABS CBN sa 12 yrs na tiwala sa kanya.

Taong 2010 ng pormal na naging kapamilya si Christine. Nagsimula ito sa reality show ng GMA na Starstruck. Sa huli ng post nito sabi niya, “kapuso, kapatid, kapamilya. Lahat tayo ay iisang bayan.”


*Ulat ni Idol Maya*

Facebook Comments