Good news! Dahil simula ngayong araw, matatanggap na ng mga empleyado ng gobyerno ang kanilang 14th month pay o Christmas bonus at P5,000 cash gift.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno – ang Christmas bonus ay katumbas ng isang buwang sahod ng mga state workers.
Aabot sa P29.7-billion ang inilaang pondo ng DBM para sa year-end bonus ng mga civilian personnel at P6.5-billion para sa military at uniformed personnel.
Bukod pa rito ang kabuuang P7.3-billion para sa kanilang cash gift.
Kabilang sa makakatanggap ng bonus at incentive ay ang mga nasa serbisyo mula October 31, 2019 at may mahigit apat na buwan nang nagtatrabaho mula January 1 hanggang October 31.
Makakatanggap din ang mga nagretiro o umalis sa serbisyo bago mag-October 31.
Samantala, simula December 15, matatanggap na rin ng mga kwalipikadong government employees ang kanilang productivity enhancement incentive.