Christmas food packages ipamamahagi sa 650,000 pamilyang Manileño

Tiniyak ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na makatatanggap ng Christmas food packs ang 650,000 pamilyang Manileño sa darating na kapaskuhan.

Ayon kay Domagoso, sinimulan na nila ang proseso ng acquisition ng Christmas food packages para sa mga pamilyang Manileño.

Diin ni Mayor Isko, ito ay bahagi ng hangarin ng Pamahalaang Lungsod na may mapagsaluhan ang bawat pamilya sa Maynila ngayong Pasko.


Dagdag pa ni Mayor Isko, bukod dito ay may handog din na karagdagang gift packs at limang kilo ng organic rice ang lokal na pamahalaan para sa bawat sa senior citizen nito.

Samantala, tiniyak din ni Domagoso na tuluy-tuloy ang pagkilos ng lokal na pamahalaan upang tugunan ang isyu ng gutom at malnutrisyon sa buong siyudad.

Facebook Comments