CHRISTMAS LIGHTING CEREMONY, KINAGILIWAN SA STA. BARBARA, PANGASINAN

Opisyal nang sinalubong ng MDRRMO Sta. Barbara ang panahon ng Kapaskuhan sa Sta. Barbara, Pangasinan sa pamamagitan ng isang makulay na Christmas Lighting Ceremony noong gabi ng Nobyembre 1, 2025.

Nagningning na parang mga tala sa gabi ang mga Christmas lights sa MDRRMO Building na nagbigay ng kasiyahan sa mga residente ng nasabing munisipalidad.

Mas ikinatuwa pa ng mga bata ang pamimigay ng mga imported na tsokolate na nagdulot ng ngiti sa marami.

Ayon sa ilang nakapanood, nagsisilbing ilaw at pag-asa ang mga makukulay na Christmas lights na parang bituing nagniningning upang maghatid ng saya at ngiti sa mga mamamayan.

Facebook Comments