Planong ipagbawal ng Metro Manila Council (MMC) ang pagsasagawa ng Christmas parties at outdoor caroling para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 ngayong holidays.
Ayon kay MMC Chairperson, Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ang mga alkalde sa Metro Manila ay maglalabas ng kanya-kanyang executive orders sa para rito.
Sumang-ayon din ang MMC na hindi nila hahayaan ang Christmas parties sa mga pampublikong opisina.
Sa private offices, hinihikayat nilang iwasan ang pagsasagawa ng Christmas parties dahil 10 tao lamang ang pinapayagan sa mass gatherings.
Una nang inirekomenda ng konseho sa Inter-Agency Task Force (IATF) na panatilihin ang General Community Quarantine (GCQ) status sa National Capital Region.
Facebook Comments