Christmas parties, ikinokonsiderang kanselahin ng mga mayors sa Metro Manila; curfew, balak ng alisin

Ikinokonsidera ngayon ng mga mayor ng Metro Manila ang pagkansela ng Christmas parties sa kani-kanilang opisina at mga departamento.

Ayon kay Metro Manila Council (MMC) Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, hindi prayoridad ang pagsasagawa ng Christmas parties lalo na’t hindi pa natatapos ang pandemic.

Kahit pa lumuwag ang quarantine measures, mananatiling limitado aniya ang mass gatherings.


Matatandaan na una nang nag-anunsyo si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa pagkakansela ng Christmas party ng kanilang lokal na pamahalaan at plano nito na ibigay na lamang ang perang gagastusin sa party sa mga mahihirap.

Samantala, pag-aaralan naman ng mga alkalde sa Metro Manila na alisin na ang curfew sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni Olivarez na kinokonsidera nila ang pag-alis sa curfew para makabawi ang ekonomiya ng bansa.

Tiniyak naman ni Olivarez na masusunod pa rin ang health protocols sakaling tuluyan nang alisin ang curfew sa buong Metro Manila.

Facebook Comments