Christmas Santa Claus Sleigh sa Cauayan, Hatid ay Aguinado!

27

Cauayan City, Isabela – Maraming kaabang-abang na mga aktibidad sa pagbubukas ng Paskuhan Sa Cauayan 2017.

Pangunahin dito ang tinatawag na Christmas Santa Claus Sleigh.

Sa impormasyong nakalap ng RMN Cauayan News Team, ang naturang Christmas Sleigh ay hindi hihilahin ng reindeer o anumang hayop bagkus ito ay isang tricycle na binihisan upang magmukhang sleigh ni Santa.

Layunin nito na makalikom ng halaga mula sa mga sasakay dito upang ipang-aguinaldo sa mapipiling pamilya ngayong kapaskuhan.

Ito ay puedeng sakyan ng sinuman mula noong Disyembre 5, 2017 kasabay ng pagisisimula ng Paskuhan Sa Cauayan 2017.

Kada sakay sisingil ang Christmas Santa Claus sleigh ng 20 pesos sa bawat pasahero nito para ipasyal sa centro ng Cauayan.

Narito naman ang mga ibang nakalinyang aktibidad ng Paskuhan Sa Cauayan:

Dec. 1,7,8,14,1,23 @ 7pm Movie Marathon
Dec. 2 @ 6pm Grand Opening D voice Metro Cauayan
Dec. 3 @ 6pm Local Band Show and Parlor Games
Dec. 5 @ 6pm Opening of the Paskuhan Sa Cauayan 2017
Lighting of the City Hall Decoration
Christmas Santa Claus Sleigh
Magic Show and Puppet Show
Dec. 9 @ 6pm Opening Battle of the Band
Dec. 10 @ 6pm D voice Metro Cauayan Battle Round
Dec. 16 @ 6pm Battle of the Band Grand Finals
Dec. 17 @ 6pm D voice Metro Cauayan Grand Finals
Gift Giving to Adapted Families
Parlor Games

Inaanyayahan naman ng pamahalaang lokal ng Cauayan ang mamayan na makisaya, makilahok at suportahan ang ibat-ibang inihandang aktibidad ngayong kapaskuhan ng lungsod ng Cuayan.

Facebook Comments